Dahil sa lumalalang init sa Britain, nag-overheat at hindi na nagiging episyente ang solar panel sa kanilang bansa.
Dahil sa record-breaking heatwave na nararanasan ngayon sa European countries, napilitan ang Britain na mag-import ng kuryente sa European Union, maiwasan lang ang power outages o brownout.
Nitong Martes lang, nag-issue ang National Energy System Operator (NESO) o ang grid operator sa Britain, emergency power supply warning dahil nakaapekto na ang matinding init sa kanilang solar energy at hindi kinakaya ng kanilang solar panels ang init.
Sa report ng British-based news outlet na The Telegraph, hinihimok ng NESO ang gas plants na dagdagan pa ang kanilang output dahil sa tumataas na demand ng kuryente sa mga kahabayan at opisina.
Gawa raw ito ng malakas nang paggamit ng air conditioning para labanan ang heat wave.
Paliwanag ng NESO, hindi nagiging epektibo ang solar farms sa kanilang lugar ngayon at bumababa ng 0.3% hanggang 0.5% ang efficiency nito sa bawat degree Celsius na itinataas ng temperatura ng isang solar panel ng higit pa sa 25C.
Kaya nitong Miyerkules, mahigit kalahati ng kuryente ng Britain ay supplied ng gas, wind energy ng 12% at solar power na mababa pa sa 10%, ayon sa NESO.
Batay naman sa World Economic Forum, sinabi ng CED Greentech, isang solar equipment suppler mula sa United States na kaya ng heat o init “bawasan” ang kakayahan ng solar panels.
“Depending on where they’re installed, hot temperatures can reduce the output efficiency of solar panels by 10%-25%, the company says,” sabi ng WEF.
Batay sa forecasts sa Europe, posibleng umabot ang temperatura sa 43°C sa Mediterranean ngayong linggo, habang pinaghahanda na rin ang Western Europe sa record-breaking na init.
Nagbabala rin ang Met Office sa UK sa tinatawag na “tropical nights” kung saan hindi bumababa ang temperatura sa 20°C sa loob ng 24 oras.