Nailigtas ng isang magsasaka sa Bukidnon ang isang Philippine Eagle mula sa mahigit 30 unggoy noong July 3.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources sa Northern Mindanao, nakatanggp sila ng report mula kay Merly Suday mula sa Inanding Tribal Multipurpose Cooperative tungkol sa nailigtas na agila.

Natagpuan ang nasabing agila sa kahabaan ng Cabanbangan-Sawaga River sa Brgy. Dalwangan sa Malaybalay City.

Sabi ni Suday, pumunta sa lugar ang magsasaka na si Marven Linoy upang pumitas ng passion fruit nang makita niya ang mga unggoy na inaatake ang nasabing ibon.

“When Marven moved closer, he was shocked to discover that it was actually a Philippine eagle lying on the ground. The eagle was covered with soil and its body was trembling. He didn’t know what to do at first. He thought about leaving to call for help, but he was afraid that if he left, the eagle might die before anyone could return,” sabi ni Suday.

Kalaunan, sinabi ng DENR na nadala na ang ibon sa Sitio Kubayan sa Barangay Kibenton, Impagsug-ong.

Batay sa pag-eksamen sa nasabing ibon, sinabi ng DENR, “Further examination revealed multiple wounds beneath its wings, several of which contained small maggots, indicating that the injuries had been sustained for some time. The wounds were thoroughly cleaned, disinfected, treated with wound spray, and the eagle was given pain medication to stabilize its condition.”

Paniwala ng DENR, posibleng na-stranded ang nasabing agila sa lugar at maaaring sinikap nitong makawala.

Naibigay na rin ang nasabing agila sa Philippine Eagle Foundation para dalhin sa Davao City upang tuluyan itong magamot.

Sa update naman ng Inanding Tribal Multipurpose Cooperative, kumakain na nang maayos ang nasabing agila. — Photo from Merly Suday/Facebook

Show CommentsClose Comments

Leave a comment