Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may labing-anim (16) na wage increase petitions sa Metro Manila na inihain ng iba’t ibang grupo.
Ayon kay DOLE Spokesperson Lennard Constantine Serrano, ilan sa mga petisyon na natanggap nila ay naglalaro sa pagitan ng P500 hanggang P800 na wage increase.
Ang bagong dating na petisyon ay nagkakahalaga sa P1,200, sabi ni Serrano.
Sinabi ng DOLE official na hiling ng mga grupo naghain ng petisyon ang agarang pagpaatupad nito dahil sa epekto ng gulo sa Middle East.
Ngayong Mayo, magsasagawa ng pag-aaral ang NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board upang alamin kung sapat pa ang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Inanunsyo ng DOLE na posibleng ilabas ang bagong wage order sa July 18.
Ayon kay Serrano, nagkakaroon muna ng review 60 araw bago ang issuance ng nasabing order.
Hindi pa masabi ngayon regional boards kung magkano ang magiging wage increase sa Metro Manila.
Matatandaan na noong July 18, 2025, may P50 na wage increase sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Nagkakahalaga ang miminum wage ngayon sa NCR sa P695 habang ang agricultural at maliliit na retail workers ay nakatatanggap ng P658.