Naranasang pag-ulan sa QC noong August 30, katumbas ng halos isang linggong ulan — PAGASA

Katumbas ng isang linggong ulan ang bumuhos sa Quezon City sa loob lang ng ilang oras.

Ayon sa PAGASA, nakaranas ng severe thunderstorm ang Metro Manila noong Sabado, August 30, sa pagitan ng 1PM at 4PM.

“The Science Garden recorded 134.2 mm of rainfall, which is nearly equivalent to one week’s worth of rain based on the monthly normal of 568.5 mm,” sabi ng PAGASA.

Dahil nga sa malakas na buhos ng ulan, bumaha sa maraming lugar sa QC nitong nakalipas na weekend; maraming kalsada ang hindi nadaanan at may mga sasakyang lumubog sa matinding pag-ulan.

Sa bahagi ng Mother Ignacia Ave., may mga sasakyang lumubog na sa tindi ng ulan, habang hindi nakadaan ang mga sasakyan sa Elliptical Road at sa Commonwealth Avenue.

Una rito, sa post ng MMDA nitong Sabado, binanggit nito ang PAGASA kung saan 105 mm ng ulan ang bumagsak sa loob lang ng isang oras sa pagitan ng 2PM at 3PM — mas marami pa sa ibinuhos na ulan sa loob ng isang oras noong humagupit ang super bagyo na Ondoy.

“Kung ihahambing sa bagyong ‘Ondoy’ noong Setyembre 2009, ang tubig-ulan na ibinagsak nito sa loob ng anim na oras ay umabot sa 455 mm, na katumbas ng 75.83 mm/oras,” the MMDA said.

Show CommentsClose Comments

Leave a comment