Pumapangalawa ang korapsyon bilang national concern ng mga Pilipino, batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.
Sa survey ng OCTA, tumaas ang concern ng mga Pilipino sa korapsyon ng 18% kumpara mula sa 13% noong Hulyo at 31% noong Setyembre.
“The sharp rise in corruption concerns indicates a growing public demand for integrity and accountability in government, as Filipinos increasingly turn their attention from just economic concerns to issues of governance,” sabi ng OCTA sa isang pahayag.
Ayon sa OCTA, pinakamalakas ang mga panawagan kontra korapsyon sa Metro Manila na may 53% habang ang Mindanao ang may pinakamababang datos sa 18%.
Nangunguna naman ang galaw sa presyo ng pagkain at serbisyo o inflation na siyang numero unong concern ng mga Pilipino.
Isinagawa ang nasabing survey mula September 25-30 sa paraan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adult respondents sa bansa.
Ang nasabing survey ay may ±6% margin of error para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.