Hindi pipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang 2026 national budget kung hindi ito tugma sa National Expenditure Program (NEP) ng ehekutibo.

Ibig sabihin nito, hindi lulusot ang kahit anong congressional insertions o anumang klase ng pork barrel kung tutuparin ng Pangulo ang tutuparin niya ang kanyang sinabi sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA).

“Therefore, for the 2026 national budget, I will return any proposed General Appropriations Bill that is not fully aligned with the National Expenditure Program,” saad ng Pangulo.

“Hindi ko aaprubahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod sa plano ng gobyerno para sa sambayanang Pilipino,” diin ng Pangulo.

Ang NEP ay inihahanda ng Department of Budget and Management (DBM) batay sa mga prayoridad ng administrasyon, na kadalasang nagmumula sa Philippine Development Plan. 

Sa kasaysayan, maraming proyekto ang nadadagdag sa General Appropriations Bill (GAB) sa pamamagitan ng tinatawag na congressional insertions o kaya “pork barrel.”

Ibinabala ito ng Pangulo nang kanyang banatan ang malawakang katiwalian sa mga flood control projects. Inilahad din ng Pangulo ang kanyang plano para papanagutin ang mga sangkot.

Show CommentsClose Comments

Leave a comment