Sa botong 19-4-1, in-archive ng Senado ang mga inihaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema na idineklarang unconstitutional ang mga ito.

Ito ay matapos ibasura ng Senado ang mosyon ni Senate Minority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III na ipagpaliban muna ang pagdedesisyon sa mga impeachment case laban sa Bise Presidente.

Si Sen. Panfilo “Ping” Lacson lamang ang senador na nag-abstain sa kadahilanang iintayin niya na lang ang desisyon ng Korte Suprema sa apela ng Kamara.

Kaninang umaga, nakiusap si House of Representatives spokesperson Atty. Princess Abante na intayin muna ang desisyon ng Korte Suprema sa inihain nilang motion for reconsideration kaugnay sa pagdeklara bilang unconstitutional ng mga impeachment case.

Narito ang tally kung paano bumoto ang mga Senador sa mosyon ni Sen. Marcoleta:

(This is a developing story.)

Show CommentsClose Comments

Leave a comment