
Nagpahayag ng pagluluksa ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagkasawi ng tatlong tauhan nito matapos gumuho ang San Remegio Sports Complex sa San Remegio, Cebu, kasabay ng malakas na lindol, kagabi, September 30, 2025.
Kinilala ang mga nasawi na sina Seaman Second Class Lawrence Palomo, Apprentice Seaman Jujay Mahusay, at Apprentice Seaman Ert Cart Dacunes, pawang miyembro ng PCG. Isinugod pa ang tatlo sa Bogo General Hospital para sa agarang gamutan, ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.
Ayon kay PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L. Gavan, lubos ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi at tiniyak na makatatanggap ang mga ito ng buong suporta mula sa Coast Guard.