Good news, students!

Inanunsyo ni Transportation Secretary Vince Dizon na magkakaroon na ng white personalized Beep Cards na automic ding may 50% para sa mga estudyante sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 simula sa Setyembre.

Ayon kay Dizon, hindi na kailangan pang pumila ng mga estudyante para maka-avail ng 50% discount.

“Kabilin-bilinan ng Pangulo na dapat ang biyahe ng ating mga studyante ay mabilis at convenient para hindi sila nale-late sa klase. Starting September, hindi na sila mahihirapan,” sabi ni Dizon.

Napag-alaman mula kay Dizon na valid ang mga personalized Beep Card ng isang taon na may pangalan at renewable kada school year.

Sabi ni Dizon, “Pupunta lang sila sa kahit anong station next month, ipapakita ang ID at ipi-print ang beep card right then and there. Ire-renew lang nila ‘yan every after school year.”

Sa ngayon, ang mga puting Beep Card ay nakalaan para sa mga senior citizen at PWDs na automatic may 50% diskwento.

Show CommentsClose Comments

Leave a comment