Isang araw matapos ang Fathers Day, mabilis nag-viral ang post ni Andriana Nepacina, graduate mula sa Ateneo de Manila University ang kanyang pasasalamat sa ama na napatapos siya sa pag-aaral sa pagtitinda ng cotton candy.

“Kilala si papa ng marami bilang “Kuya Amor”, ang nagtitinda ng cotton candy sa kalsada ng Antipolo at sa paligid ng seminaryo,” umpisa ni Andriana sa kanyang post noong Lunes, June 22. “Minsan sa ilalim ng tirik na araw, minsan naman kahit malakas ang ulan. Kahit pagod na pagod na siya, hindi ko kailanman narinig siyang magreklamo sa hirap ng buhay.”

Ayon kay Andriana, naging inspirasyon niya ang kanyang ama na masipag na itinataguyod ang kanilang pamilya makatapos lang siya sa pag-aaral.

“Paano ako susuko sa pag-aaral kung ang taong nagpapaaral sa akin ay hindi sumusuko sa paghahanapbuhay?” sabi ni Andriana.

Sabi pa ng Atenista, ang diploma na hawak niya ngayon ay hindi lang para sa kanya, kundi para rin sa kanyang ama.

“Papa, itong diploma ay hindi lang para sa akin. Para rin ito sa lahat ng taon ng pagod, sakripisyo, at pagmamahal na ibinigay mo nang walang hinihinging kapalit. Hindi lahat ng bayani may kapa. Ang sa akin, may kariton ng cotton candy at may sipag bilang puhunan,” sabi ni Andriana.

Lubos naman ang pasasalamat ni Andriana sa Office of Admission and Aid sa Ateneo dahil nabigyan anya siya ng pagkakataong makapag-aral sa nasabing unibersidad sa paraan ng scholarship.

“Happy Father’s Day, Papa Lito Nepacino Amorlito Nepacina. I love you,” sabi ni Andriana. — Photo from Andriana Nepacina/Facebok

Show CommentsClose Comments

Leave a comment