Hindi na magiging spokesperson ng Philippine National Police (PNP) si Police Brigadier General Jean Fajardo.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge, Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez, Jr., pinag-aaralan niya ang paglusaw sa posisyon ng PNP Spokesperson dahil mayroon namang Public Information Office ang PNP.
Sa ngayon, pinag-aaralan ni Nartatez na maging spokesperson ng hanay si Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, ang Public Information Chief ng PNP.
Ginawa ni Nartatez ang pahayag kasunod ng kanyang pagtiyak na ipatutupad ang order ng National Police Commission (NAPOLCOM) pagdating sa reassignment ng mga police official.
Inihayag ni Nartatez na may boses ang PNP sa NAPOLCOM sa bisa ng ex-officio capacity nito.
Pero, iginiit ng opisyal na epektibo ang umiiral na mekanismo para sa pagtatalaga ng mga tauhan at kasama nga kanyang pag-aaralan ang pagtatanggal sa posisyon ng PNP Spokesperson.