Inamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dismayado ang publiko sa kanyang administrasyon, lalo na sa mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan. 

Inilahad ito ng Pangulo matapos ang pagkatalo ng kanyang mga senatorial candidate sa 2025 midterm elections.

“Malinaw sa akin ang mensahe ng naging resulta ng halalan: bigo at dismayado ang mga tao sa pamahalaan, lalo na sa mga pangunahing serbisyo,” sinabi ni Marcos sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) 

“Ang leksyon sa atin ay simple lamang, kailangan pa natin mas lalong galingan, kailangan pa natin mas lalong bilisan.”

Kahit pa lumalabas sa economic data na bumaba ang inflation, tumaas ang kumpyansa ng mga negosyante, at dumami ang trabaho, wala ito aniyang saysay “kung ang ating kababayan nama ay hirap pa rin at nabibigatan sa kanilang buhay.” 

Ipinangako ng Pangulo na ibubuhos ang “lahat-lahat” ng kanyang administrasyon sa natitira niyang tatlong taon bilang Pangulo ng bansa.

Show CommentsClose Comments

Leave a comment