Ikinulong muna sa Cavite Provincial Office ang isang police commissioned officer makaraang ireklamo ng panggagahasa sa Noveleta Police Station.
Kinumpirma ni PNP Spokesperson PBGen Randulf Tuaño na inilagay sa restrictive custody ang suspek na police lieutenant at napag-alamang deputy chief pa pala ng naturang istasyon.
Nag-ugat ang reklamo sa tawag sa 911 para isumbong ang naranasan ng 34-anyos na biktimang unang hinuli dahil sa ilegal na droga.
Kwento ng complainant, inilabas siya sa piitan ng suspek gabi ng September 3, saka siya dinala sa isang quarters kung saan isinagawa ang magdamagang panghahalay.
Kinasuhan na nito ng rape ang pulis, habang damay naman ang hepe ng istasyon na sinibak din sa pwesto habang gumugulong ang imbestigasyon.