Chairman George Garcia said this is “the most successful voters registration in history.”

Sa loob lamang ng apat na raw, umabot na sa mahigit 888,000 ang nagparehistrong botante para sa barangay at SK elections.

Tatagal ang voter registration ng 10 araw simula August 1 hanggang August 10, 2025.

‘MOST NUMBER IN THE SHORTEST PERIOD’

Sa datos na iprinisinta ni COMELEC Chairman George Garcia, 881,042 na ang naitalang voter applicants ngayong Martes, August 5.

Para sa araw na ito, kabuuang 262,593 registrations ang natanggap ng COMELEC sa ikaapat na araw — ang pinakamataas na datos na naitala ng COMELEC sa loob ng apat na araw.

‘KAHIT NAMUMURONG MA-POSTPONE ANG ELEKSYON, MARAMI PA RIN ANG NAGPAPAREHISTRO’

Ayon kay Garcia, walang nakita ang poll body na pagbaba sa bilang ng mga nagpaparehistrong botante kahit pa inanunsyong pipirmahan ni Pang. Bongbong Marcos ang isang bill na magpapalawig sa termino ng barangay at SK officials.

Mula sa kasalukuyang tatlong taong termino, gagawin na itong apat na taon.

Oras naman na pirmahan ng pangulo bilang batas ang nasabing bill, mauusog na rin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa unang Lunes ng November 2026 mula sa nakatakda sanang petsa nito sa December 1, 2025.

‘SAAN PA BA PWEDE MAGPA-REHISTRO?’

Umarangkada rin ang Special Register Anywhere Program ng COMELEC sa maraming lugar sa Metro Manila simula August 1 hanggang August 7, 2025.

‘ANO ANG KAILANGAN DALHIN UPANG MAGPAREHISTRO?’

Ayon sa COMELEC, pwede magdala ng anumang sumusunod na government-issued IDs ang mga magpaparehistro:

Show CommentsClose Comments

Leave a comment